MAGHAHARAP ang mga kinatawan ng Inter-Agency Task Force (IATF), religious sector, at mga lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ito’y upang talakayin at plantsahin ang mga ipatutupad na guidelines hinggil sa religious gatherings ngayong unti-unti nang nagluluwag ang mga ipinatutupad na health and security protocols dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pagkatapos ng pulong ay agad nilang isasapubliko ang pinal na resolusyon hinggil dito na paaaprubahan naman kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi pa ng kalihim, nagsumite na ng kani-kanilang safety protocols ang iba’t ibang religious groups kung paano sila makapagsasagawa ng mga pagsamba na nakasalig naman sa minimum health protocols ng IATF sa ilalim ng GCQ. DWIZ882
820372 904160Some really good stuff on this internet web site , I enjoy it. 354193