NAGLABAS na ang Department of Education (DepEd) ng guidelines sa mga aktibidad para sa Academic Year 2024-2025.
Sa ilalim ng Department Order 009 series of 2024, opisyal na magbubukas ang school year sa Hulyo 29 at magtatapos sa Abril 15, 2025.
Mananatili pa rin ang in-person learning bilang pangunahing paraan ng pagtuturo, subalit maaari pa ring ipatupad ang blended learning kapag nagdeklara ng suspensiyon o kanselasyon ng mga klase dahil sa kalamidad at emergencies para matiyak ang kaligtsan ng mga mag-aaral, mga guro at non-teaching personnel.
Maaring magbigay ng home learning task ang mga guro sa mga estudyante na akma sa pangangailangan ng mga ito at sa sitwasyon sa kanilang lugar.
Maaaring ipatupad ang full distance learning dahil nananatiling epektibo ang Department Order 44 series of 2022.
Itinakda naman ng DepEd ang Brigada Eskwela o taunang school maintenance activities sa Hulyo 22 hanggang 27 habang ang Oplan Balik Eskwela ay mula July 22 hanggang August 2, 2024.
ELMA MORALES