(Guilt-free kahit i-mukbang) PECHAY PANGONTRA SA ATAKE SA PUSO

TOTOO ba?

Alam n’yo ba na ang gulay na petchay ay pangontra sa sakit sa puso?

Akalain n’yo n’yo nga naman. Itong gulay na ito na natitikman lang sa lutong nilagang baboy at baka o kaya ay pesang dalag, ay malaki ang maititulong para isalba ang sangkatauhan sa heart diseases.

Sa pananaliksik ng PILIPINO Mirror, ang petchay na bihirang maiulam ay mayaman sa fiber na nakakatulong para mapababa ang cholesterol.

Ibig sabihin nito, mapapalusog at mapapasigla nito ang ating puso kaya makakaiwas sa anumang sakit.

Bukod sa taglay ng pechay ang mayamang vitamin C, nagdudulot din ito para lumakas ang resistensiya.

Kaya kahit makasalamuha mo ang maraming tao, protektado sa virus dahil malakas ang iyong resistensiya.

Marami pang magandang benepisyo ang pagkain ng pechay.

Dahil ang madalas kumain ng pechay ay nagtataglay ng malinaw na mata dahil taglay ang Vitamin A at maraming nutrients.

Habang sa nais magpababa ng timbang, puwede rin itong imukbang.

Hindi ka magsisisi dahil. mababa lang ito sa calorie kaya tiyak na maginging fit and sexy.

Nakakatulong din ito sa digestion kaya makakaiwas sa constipation.

EUNICE CELARIO