‘GUILTY’ SA 3 PULIS NA SANGKOT SA KIAN KILLING

kian killer

CALOOCAN – RECLUCION perpetua o habambuhay na pagkakulong ang inihatol sa tatlong pulis-Caloocan nang mapatunayang guilty sa kasong pagpatay sa 17-anyos na highschool stu-dent na si Kian Lloyd delos Santos.

Base sa naging desisyon ni Judge Rodolfo Azucena ng Regional Trial Court (RTC) Branch 125, ang mga akusadong sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz ay napatunayang nagkasala sa kasong murder habang absuwelto naman ang mga tio sa pagtatanim ng ebidensiya kay delos Santos.

Sa record ng pulisya, naganap ang insidente noong Agosto 17 ng nakalipas na taon, ilang metro lamang ang layo sa bahay ni de-los Santos sa Caloocan City kung saan ay nagsagawa ng drug operation ang mga awtoridad kabilang ang tatlong akusado.

Hindi naman pinaboran ng korte ang paliwanag ng tatlong pulis na ipinagtanggol lamang nila ang kanilang sarili nang manlaban si delos Santos habang isinasagawa ang drug operation.

Matatandaan na inakusahan ng pulisya si delos Santos na isa sa mga nagpapakalat ng droga sa kanilang lugar ngunit mariin na-mang itinanggi ng pamilya nito ang akusasyon ng mga awtoridad at sina­sabi pang masipag na estudyante ang kanilang anak.

Bukod kay Kian, dalawa pa ang sumunod na napatay ng mga awtoridad kabilang ang isang medor dahil sa pinaigting na operasyon laban sa ilegal na droga sa buong bansa at ito ay sina Carl Angelo Arnaiz, 19-anyos ng maganap ang insidente at Reyn-aldo de Guzman alyas Kulot.

HINDI PATATAWARIN

Tiniyak ng Malacañang na hindi papatawan ni P­angulong Rodrigo Duterte ng pardon ang tatlong pulis.

Magugunitang may mga nauna ng pahayag ang Pangulo na hindi siya magdadalawang-isip gawaran ng pardon ang mga pulis o sundalong mahahatulan sa pagpatay dahil sa pagtupad ng tungkulin.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador ­Panelo, ipa-pardon lamang ni Pangulong Duterte ang mga pulis o sundalong tumutupad lamang sa kanilang tungku-lin, subalit hindi kasama ang mga umaabuso at lumalabag sa batas. EVELYN GARCIA

Comments are closed.