Welcome to Guimaras, isang isla sa southern Panay at norte ng Negros. Napakalapit nito sa Iloilo City at minsang naging bahagi nito, ngayon ay hiwalay nang probinsya.
Sikat ang Guimaras sap ag-aani ng pinakamasarap at pinakamatamis na mangga sa buong mundo, kaya nga kinilala itong “Mango Capital of the Philippines” ng mga lokal at iba pang turista. Ang mga lamang raw mangga raw sa Guimaras ang isinisilbi sa White House at sa Buckingham Palace. Bongga.
Tinawag ang islang Guimaras mula umano sa orihinal nitong pangalang Himal-us na kalaunan ay naging Guimaras, mula pa rin sa kwento ng naunsyaming pag-ibig ni Prinsesa Guima at ng aliping nagngangalang Aras. Ipinaglaban nila ang kanilang pag-ibig ngunit hindi ito pwedeng mangyari dahil ayon sa tradisyon, ang prinsesa ay para sa prinsipe lamang at ang alipin ay para sa alipin.
Naging sub-province ng Iloilo ang Guimaras sa bisa ng RA 4667, na ipinatupad ng Kamara noong June 18, 1966 na ang kapitolyo ay Jordan ([hɔ̝ɾdɐn]). Isa itong 3rd class municipality sa nasabing probinsya.
Hindi lamang mangga ang ipinagmamalaki ng Guimaras kundi maging ang makapigil-hininga nitong dalampasigan, malinis na tubig-dagat, at masayahing mga taong laging nakangiti. Sa [pagpasyal ni Louie Reynoso at ng kanyang pamilya sa nasabing isla, naranasan nila ang kakaibang saya ng pamamasyal.
Ang Guimaras ay isang islang probinsya na may mainland, marami pang mga malalaki at maliliit na isla. Ang lawak ng dalampasigan sa mainland ay may 300.48 kilometro at sa iba pang mga isla ay aabot naman sa sa habang 169.44 kilometro. Matatagpuan sa munisipalida ng Nueva Valencia ang maraming maliliit na isla.
Pinagdarayo rin ng turista tuwing Mayo sa kasigiran ng tag-araw sa Guimaras ang tinatawag nilang Manggahan sa Guimaras Festival, kung saan inilalahad at ipinagmamalaki ng mga tagaroon ang kanilang industriya ng mangga. Isa sa pinakapopular na bahagi ng pagdiriwang liban sa masayang street dance at iba pang aktibidades ay ang Mango-All-You-Can. Pwede mong kainin ang lahat ng manggang kaya mong kainin, ngunit bawal mag-uwi.
Nagsimula ang mango festival noong 1993 nang maghanap ng tamang araw ang dating gobernador na si Emily Lopez para sa pagdiriwang ng unang birthday ng Guimaras bilang independent province. Ang independence day ay May 22, na tamang tama naman sa kapanahunan ng pag-ani g mga mangga. Sa ngayon, dalawang linggo na ang selebrasyon ng Manggahan festival.
Ayon sa mga tagaroon, sa bawat sanggol na isinisilang sa Guimaras, isang puno ng mangga rin ang kanilang itinatanim. Ang punong ito ay laan para sa kinabukasan ng nasabing sanggol, dahil ang kinikita ng isang puno ng mangga taon-taon ay sapat upang itaguyod ng maayos ang buhay ng isang maliit na pamilya. NLVN