SOUTH COTABATO – NAGSIMULA na ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa mga miyembro ng Guirella Front 73 ng New People’s Army (NPA) na umatake sa mga miyembro ng militar sa bayan ng Lake Sebu.
Ayon kay Lt .Col. Jones Otida, Batallion Commander ng 27 IB Phil Army, sabay na pinaulanan ng bala ng mga rebeldeng grupo ang CAFGU Patrol Base ng militar sa Sitio Lamsoal at ang nagpapatrolyang mga sundalo Sitio Lampinik sa Brgy. Lamfugon sa nasabing bayan.
Ayon kay Otida, walang naitalang sugatan sa panig ng mga sundalo habang inaalam ang bilang ng casualties sa rebeldeng grupo.
Bukod sa pananakot, nagbabalak umano ang mga rebelde na sunugin ang mga equipment sa road construction projects. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.