GULAY AT MERYENDA PANTAWID SA PANDEMYA

gulay

HALOS matulala si Ginang Maribeth Flores nang ipag-utos ng pamahalaan na bawal munang lumabas noong Marso 15, 2020.

Ito ay dahil sa idi­neklara ang enhance community quarantine sa Fili­pinas bunsod ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 noon habang sa mga panahong iyon ay limitado ang testing kit at wala pa ring maisip na gamot para sa naturang virus na kumitil na ng milyon-milyon.

Unang pumasok sa isipang ni Maribeth, paano na ang kanilang panggastos at hindi naman maaaring umasa lang sa ayuda dahil may mga personal din silang pangangailangan bukod sa pagkain gaya ng mga bayarin.

Kaya naman nakaisip ng paraan si Maribeth paano magpapatuloy ang kanilang buhay.

Sa ngayon ay mahigit sa isang taon na simula na lumaganap ang nakamamatay na coronavirus COVID-19 makikita ang isang kolong-kolong na may mga lulan na gulay na inilalako ng mag-asawa.

Tuwing sisikat na ang araw ay makikita sa mga barangay road ng Barangay Old Centro si ginang Ma­ribeth Flores kasama ang asawa na regular naglalako na bukod sa gulay ay may meryenda pang dala-dala na karagdagan pang income at tulong upang malampasan ang pandemic na ating nararanasan.

Sa panayam ng PILIPINO Mirror kay Mari­beth, sa tuwing umaga oras ng alas-5 ay bumabangon na silang mag-asawa at nagtutungo sa palengke ng naturang bayan upang mamili ng kanilang paninda na siya nilang ilalako sa kanilang barangay Old Centro.

Sa araw-araw na pagro-rolling nilang mag-asawa lulan ng kolong-kolong na may iba’t ibang klase ng gulay ay sapat na umano para sa kanilang pamilya na kung saan ay may tatlo silang anak dala­wa sa kolehiyo at isang Grade 8, na sa mahabang panahon ng bakasyon ay siya nilang katuwang. Ang tatlong nilang anak ang nag-aasikaso ng bahay habang sila ay naglalako ng kanilang mga paninda.

Sinabi pa ni Ginang Flores sa simula nang i-lockdown ang buong Luzon dahilan sa COVID-19 at nawalan ng trabaho ang kanyang mister ay doon na sila nag-simula na maglako ng mga gulay at meryenda na malaking tulong sa kanilang pang araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya.

Na bagaman hindi naman umano kalakihan ang kanilang tubo sa paglalako  ay nairaraos naman nila ang mga gastusin.

“Unang-una huwag tayong makalilimot sa      ating Panginoong Diyos na sa araw-araw ay siyang gunagabay sa atin,” ang mantra ni Ginang Flores kaya sila ay nakararaos kahit pa pandemya. IRENE GONZALES

8 thoughts on “GULAY AT MERYENDA PANTAWID SA PANDEMYA”

  1. 100913 582738This sort of considering develop change in an individuals llife, building our Chicago Pounds reduction going on a diet model are a wide actions toward creating the fact goal in mind. lose weight 959196

  2. 748448 446808We will give deal reviews, deal coaching, and follow up to ensure you win the deals you cant afford to lose. 268888

  3. 41757 641561I adore gathering valuable information, this post has got me even much more information! . 371646

  4. 512607 735649As I internet web site possessor I believe the content material matter here is rattling magnificent , appreciate it for your hard function. You should maintain it up forever! Finest of luck. 331454

Leave a Reply

Your email address will not be published.