MAY alok na door-to-door service ang Kadiwa Market ng Department of Agriculture (DA) sa mga nais bumili ng gulay sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Katuwang ng DA sa programa ang Homegrown, isang online shopping site ng mga organic na pagkain.
Mabibili sa online site ang mga gulay na produkto mismo ng mga magsasakang katuwang ng DA at direktang naapektuhan ng lockdown.
Ayon sa DA, maaaring maserbisyuhan sa programang ito ang mga taga-Metro Manila at ilang karatig-lugar tulad ng Antipolo, Rizal.
Layunin ng programa na mailapit ang mga prodyuser ng mga pagkain sa mga mamimili sa pama-magitan ng kadiwa upang maibaba ang presyo ng mga bilihin.
Para sa karagdagang detalye, maaaring bisitahin ang website na https://homegrown-organics.myshopify.com/ o ang Facebook page ng DA.