GULAYAN PALALAWAKIN SA DAVAO

GULAYAN

DAVAO CITY – HINI­MOK ng probinsiya ng Davao del Norte ang kanilang komunidad na gumawa ng kanilang sariling gulayan sa maliliit na bahagi ng kanilang lugar hanggang sa mamunga ang kanilang pinagpaguran pagda­ting ng mga nagtitinda ng gulay at makapagreport na matatag na ang suplay na base sa regular na demand ng mga mamimili.

Ang mga nadagdag na bilang ng mga halamanan ay naireport sa kanilang agriculture technicians na nananatiling nakabantay para maiwasan ang sira dala sa kanilang high value crops dahil sa tagtuyot na dala ng El Nino.

Inireport ni Gov. Anthony G. del Rosario sa kanyang taunang Ulat sa Bayan noong nakaraang linggo na mayroon nang 1,150 nakikitang lugar na gawa sa  organically-grown vegetables sa pamamagitan ng Gulayan Program sa mga eskuwelahan, sariling pag-aa­ring lugar at mga hardin.

Ang naitalang kita noong isang taon ay nasa 22 porsiyento sa vegetable gardens, kompara sa 520 gardens noong 2016.

“This resulted to the availability of vegetables in homes,” sabi ni del Rosario.

Bilang patuloy na pag-engganyo, nagsagawa ang probinsiya ng Search for the Outstanding and Best School Gulayan na naggawad ng parangal sa 12 eskuwelahan sa  elementary at secondary levels mula sa 380 kasaling eskuwelahan.

Ang Top 10 para sa Ang Gulayan Revolution Program ay nanggaling sa tatlong barangay sa bayan ng Asuncion at dalawa sa Tagum City.  Tatlong iba pang barangay ang napili, ang Island Garden City ng Samal at isa ang napili bawat isa sa Panabo City at Santo Tomas.

“Communities were able to utilize their harvest from homegrown gardens for extra income or cut cost of daily consumption,” sabi niya.

Para sa  high value crops, sinuportahan ng regional office ng Department of Agriculture ang pagtatanim ng mga gulay sa 1,924 ektarya na dating walang tanim at hindi napakikinabangang lupain.

Pero naging biktima ng simula ng El Nino ang ibang tanim at ang mga magsasaka ay tinulungan ng crop insurance sa pamamagitan ng Sikat Saka Program ng Land Bank of the Philippines.

Inireport ni Del Rosario na sa total na 1,096 ektarya nasa ilalim ng insurance na nagsisilbi sa 570 magsasaka na nagkakahalaga P672,857.86.

Sa ilalim ng Sikat Saka, ang halagang  P7,277,251.00 ng loan ay ibinigay sa 130 farmers na sumasakop sa 241.57 ektaryang farm lands.

“This helped farmers a lot to ease their financial burden,” dagdag  pa niya.

Nagbigay din ang probinsiya at ang DA ng pre at postharvest facilities at mga gamit pangsaka at nag-alay pa ng iba’t ibang technical at technological trainings at assistance sa mga magsasaka para madagdagan ang mas maayos na paglipat sa agricultural modernization.

Patuloy na nagtala ng positibong ani ang kanilang produksiyon ng bigas para magpatuloy ang kanilang role bilang major rice producing area sa Davao Region. Noong nakaraang taon, umabot sa 173,352 metric tons, ang produksiyon ng bigas na mas mataas kaysa sa mga nagdaang taon na 170,129 metric tons.

Nagkaroon ng benepisyo ang rice sector mula sa iba’t ibang government assistance programs, tulad ng Cereal Enhancement Project kung saan 38,734 sako ng certified high quality seeds ay naiprodyus at may 66.20 porsiyentong utilization rate.

Nagresulta ito sa produksiyon ng 173,352 metric tons ng commercial rice at mataas na rice self-sufficiency level mula sa 84.59 percent noong 2016 hanggang  86.72 percent ng sumunod na taon, sabi niya.

“The province tested the plant the climate-resilient seed variety Green Super Rice (GSR) in a five-hectare farm area for seed production and commercialization that yielded 4.3 metric tons per hectare, higher compared to other rice varieties,” dagdag pa niya.

Nakapagpagawa rin sila ng model farms sa bayan ng Asuncion, Braullio E. Dujali, Sto. Tomas, New Corella at Tagum City, “to showcase package of technologies in rice production from seed to seed.  “Rice high-yielding variety seeds were used to showcase its adaptability in the locality and its potential to increase production which gave a yield of 319.25 metric tons for 2017,” ayon pa sa gobernador.      MANUEL T. CAYON

Comments are closed.