ISUSULONG ni Senadora Cynthia Villar ang isang panukalang batas na magpapatupad sa vegetable planting sa school spaces upang matugunan ang malnutrition sa mga estudyante.
“Magpapasa ako ng batas institutionalizing ‘Gulayan sa Paaralan’,” wika ni Villar.
Ang Vegetable Gardening in Schools o ang ‘Gulayan sa Paaralan’ project ay inilunsad ng Department of Education noong 2017. Layunin ng proyekto na mapalawak ang kamalayan sa nutrisyon at matugunan ang malnutrition sa schoolchildren sa pama-magitan ng pagtatanim ng gulay sa mga paaralan.
“I will pass a law institutionalizing ‘Gulayan sa Paaralan’ kasi I went to a public school in Oton, Iloiolo. ‘Yung kanilang school nagtanim ng mga gulay tapos every lunch dumarating ‘yung mga nanay by turns nagluluto ng gulay na itinanim ng mga bata at pin-akakain sa mga bata,” sabi ni Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and food.
“Na-solve nila ang malnutrition nila sa ganoon. Sabi nila, kumita pa ang school kasi sumobra ang mga gulay na hinarvest. Nai-sip ko kung lahat ng eskuwelahang public ay ito ang gagawin, then maso-solve natin ang malnutrition na walang hirap ang gobyerno,” aniya.
Sa ulat ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), may 95 bata sa Filipinas ang namamatay dahil sa malnutrition araw-araw, habang 27 sa 1,000 Filipino children ang hindi nakalalagpas sa kanilang ika-5 kaarawan.
Comments are closed.