GUMAGAWA, NAGBEBENTA NG PAPUTOK BINALAAN

NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga establisimyento na gumagawa at nagbebenta ng mga paputok at pailaw na mahigpit na sumunod sa occupational safety and health standards (OSH).

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa rito lalo na’t mataas ang demand ng mga paputok.

Inatasan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang lahat ng regional directors ng DOLE na makipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at local government units (LGUs) upang subaybayan ang pagsunod ng mga establisimyento sa umiiral na patakaran.

Hangad ng kalihim na maiwasan ang anumang aksidente lalo na ang insidente ng sunog kung saan posibleng madamay ang mga trabahador.

Pinagsusumite rin ni Laguesma ang mga regional director ng listahan ng mga establisim­yento sa ilalim ng kanilang monitoring hanggang  sa Enero  10, 2025.

ALIH PEREZ