GUMAGAWA NG KANDILA ‘DI APEKTADO NG INFLATION

CANDLE

NALUSUTAN ng mga gumagawa ng kandila ang impact ng tumataas na inflation dahil nanati­ling stable ang presyo nito para sa araw ng Undas.

Sa pagkukumparang ginawa nagpakita lamang ng lima hanggang 33 brands ng kandila sa ilalim ng listahan ng suggested retail price (SRP) ang nagtaas ng presyo. Ang natitirang  28 brands ay nanatiling mababa ang presyo tulad noong nagdaang taon.

Lumobo ang presyo ng Liwanag Esperma candles mula sa P2 hanggang P9.25. Ang average na pagtataas ng brand na ito ay P4.70.

Sa kabilang banda ang Manila Wax Sperma, Manila Wax Votive, 5-Star Esperma, Export Candles at Export Vigil Candles ay nanatili sa kanilang presyon tulad ng nagdaang taon. Ito ay medyo kakaiba sa ordinaryong takbo na kung tutuusin, sa  pagtataas ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan na kasama rin ang kandila, ay nagtaas ng mga nagdaang buwan dala ng pagtaas ng inflation.

Ang mga seasonal items, tulad ng noche buena products, ay nagtaas din, habang papalapit ang Pasko. Pero ang kandila, sa kabila ng panapanahon lang ang lakas tulad ng Undas, ay nanatili sa kanilang presyo tulad ng nagdaang taon.

Ipinaliwanag ni Trade Undersecretary Ruth B. Castelo na katanggap-tanggap  para sa mga mangagawa ng Liwanag Esperma na magtaas ng presyo ng kanilang brand, dahil taon na ang dumaan bago nagdagdag ng pres­yo ang mga manggagawa ng kanilang produkto.

“Prices of candles have not increased for many years past until 2018. Prices have slightly moved as early as March,” pahayag ni Castelo.

Ang kandila, tulad ng bulaklak ay malakas ang demand kapag panahon ng patay. Ang mga Filipino ay bumibisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay, magdasal at magtirik ng kandila sa kanilang mga puntod. ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.