NABAWASAN na ang mga Filipinong gumagawa ng New Year’s resolution o listahan na nais baguhin sa pagpasok ng Bagong Taon.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 33% ng mga Pinoy ang nagsabing gumawa sila ng New Year’s resolution noong nakaraang taon.
Mababa ito sa 46% na naitala noong 2017.
Lumabas din sa survey na 10% lang ang nagsabing halos lahat ng kanilang 2019 resolutions ay natupad o matutupad pa lang.
Mas maraming gumawa ng 2019 resolution sa Mindanao (39%), sumunod ang Luzon (32%), Visayas at Metro Manila na kapwa may 29%.
Isinagawa ang survey mula December 13 hanggang 16, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents.