PANGASINAN – WALANG saplot na pang ibaba, nakataas ang bra at wala ng buhay nang matagpuan nang kanyang mahal sa buhay ang dalaga, 18-anyos, sa bakanteng lote ng subdivision sa lungsod ng Dagupan.
Sa report ni Lt. Col. Abubacar Mangelen Jr, nakilala na nila ang suspek na dating nasangkot sa iba’t ibang kaso bukod sa kasong sexsual assult na naninirahan lamang sa kalapit na barangay na siyang itinurong nasa likod ng karumaldumal na panghahalay at pagpatay sa 1st year college student na si Bernadeth Saplan, ng Bonuan Blue Beach Subd.
Matapos lumutang ang isang testigo umano’y nakarinig at nakakita sa suspek na nagtutugma naman sa kuha ng close camera television sa lugar.
Ayon kay Bernard Sapla, ama ng biktima, dumalo lang sa birthday party ang kanyang anak noong Linggo ng hapon, kung saan hindi na ito nakauwi pa ng bahay.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, mag-aalas-10:00 na ng umaga Hunyo 16 nang makita ang katawan ng biktima sa bakanteng lote ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay.
Nabatid sa ama ng dalaga na bago ang pangyayari nakausap pa niya ang anak, subalit makalipas ang ilang oras muli niyang tinawagan ito subalit lalaki na ang sumagot sa telepono ng dalaga. THONY ARCENAL
Comments are closed.