INAASAHANG makakasama na si Nuggets forward Nikola Jokic, na nagpositibo sa coronavirus 2019 (COVID-19) noong nakaraang buwan, sa kanyang koponan sa lalong madaling panahon sa Walt Disney World campus sa Orlando, Florida.
“Nikola Jokic will be in the bubble very, very soon,” pahayag ni Denver coach Michael Malone sa report ng ESPN.
“I know that it is a big topic of discussion, when’s he going to be here. He will be here very, very soon, and (we’re) excited to see him,” sabi ni Malone.
Si Jokic, miyembro ng First Team All-NBA noong nakaraang season, ay nagpositibo sa COVID-19 noong late June, dahilan para maantala ang pagdating niya sa Estados Unidos.
“Jokic has since tested negative, something he would have to do twice before leaving Serbia and then twice again in the United States,” sabi pa sa report ng ESPN.
Ang Serbian big man ay kailangang mag-quarantine ng dalawang araw sa kanyang pagdating sa “bubble” bago siya makasali sa team activities.
Si Jokic, 25, ay may average na 20.2 points, 10.2 rebounds, at 6.9 assists para sa Nuggets nang matigil ang season noong Marso.
Ang Denver ay nasa ikatlong puwesto sa Western Conference na may 43-22 record, sa likod ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.
Magbabalik ang NBA season sa Hulyo 30 na may 22-team format.
Nagsimula nang mag-ensayo ang mga player sa ilalim ng bagong coronavirus safety protocols sa “Orlando bubble” kung saan idaraos ang buong 2019-20 NBA season.
Comments are closed.