GUMALING SA COVID-19, 7,090  NA

covid recover

PUMALO na sa mahigit 7,000 ang mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na gumaling na sa Filipinas.

Batay sa COVID-19 case bulletin #096 ng Department of Health (DOH), hanggang 4pm ng Hunyo 18 ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 270 COVID-19 recoveries sanhi upang umakyat na sa kabuuang 7,090 ang mga pasyenteng gumaling sa natu­rang karamdaman.

Samantala, patuloy na nadaragdagan ang mga COVID-19 cases sa bansa na umabot na nga­yon sa kabuuang 27,799 matapos na makapagtala ng karagdagan pang 562 kaso ng sakit.

“As of 4PM today, June 18, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 27,799,” anang DOH.

Sa naturang 562 kaso, 481 ang fresh cases, base sa daily accomplishment reports na isinumite ng 45 sa 59 laboratoryo na operational nga-yon, habang 81 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases, 120 ang naitala sa National Capital Region (NCR); 273 ang mula sa Region 7 at 88 naman ang mula sa iba pang rehiyon, habang sa mga late cases naman, 33 ang mula sa NCR; 26 mula sa Region 7 at 22 ang mula sa ibang lugar.

Nakapagtala rin  ang DOH ng siyam na pas­yente na pumanaw sa sakit, sanhi upang umakyat na sa 1,116 ang COVID-19 death toll sa bansa. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.