NADAGDAGAN ng 274 pang pasyente ang gumaling sa coronavirus disease (COVID-19).
Dahil dito, umakyat na sa 9,182 ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.
Kamakalawa o nitong araw ng Huwebes ay may 255 naman ang gumaling na pasyente.
Samantala, nadagdagan pa ng mahigit 1,000 ang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4:00, Biyernes ng hapon, umabot na sa 34,073 ang confirmed cases ng nakahahawang sakit sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,006 na dagdag na mga kaso, 788 ang “fresh cases” habang 218 ang “late cases.”
Sa NCR ay nakapagtala ng 266 na fresh cases at 113 late cases, sa Region 7 naman ay mayroong 251 na fresh cases at 7 ang late cases.
Labindalawang pasyente pa ang nasawi kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,224 na.
Comments are closed.