GUMALING SA COVID-19 NADAGDAGAN NG 398

DOH

LUMAMPAS na sa 67,000 ang naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang alas-4:00 ng hapon ng Linggo, Hulyo 19 ay nakapagtala ng ka­ragdagang  2,241 infections ng COVID-19, sanhi upang umabot na sa 67,456 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Ayon sa DOH, kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng sakit ay ang Metro Manila na may 1,625; Laguna na may 115; Cavite na may 76; Rizal na may 75; at Cebu na may 55.

Samantala, nadagdagan naman ng 398 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit at umabot na sa kabuuang 22,465.

Maging ang mga binawian ng buhay dahil sa virus ay dumami rin at umabot na ngayon sa 1,831 matapos na madagdagan ng 58 pa.

Ang aktibong kaso naman ay nasa 43,160 na pawang nilalapatan pa ng lunas sa iba’t ibang pagamutan.

Ayon sa DOH, ang 90.1% sa mga ito ay pawang mild cases lamang, 9.1% ang asymptomatic, 0.4% ang malala ang sakit at 0.4% ang kritikal ang kondisyon. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.