PUMALO na sa 458,198 ang bilang ng gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 8,592 na nakarekober sa virus.
Sa huling case bulletin ng DOH umakyat na sa kabuuang 487,690 ang kaso ng coronavirus sa Filpinas, matapos nakapagtala ng 1,906 ba-gong nahawaan ng sakit.
Batay sa datos na inilabas nitong Enero 10, nasa 20,087 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, sumampa sa 9,405 na ang death toll sa bansa matapos madagdagan ng madagdagan ng walo ang nasawi sa virus.
Comments are closed.