GUMALING SA COVID 500K NA

DOH

UMABOT na sa kabuuang 543,282 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 1,734 na mga bagong kaso ng virus.

Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 31,478 ang bilang ng mga aktibong kaso nito o nasa 5.8%.

Sa kaparehong datos, naitala rin ang 68 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 11,469 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

500,335 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 423 na mga bagong gumaling ditto. DWIZ882

Comments are closed.