GUMALING SA COVID MAS MARAMI KAYSA SA MGA BAGONG KASO

KUMPARA sa araw ng Sabado, mababa ang nadagdag na bilang ng mga bagong kaso ng COVID 19 sa bansa araw ng Linggo.

Sa pinakahuling datos ng DOH, karagdagang 8,346 kaso ang kanilang naitala para maging 1,054,983 na ang kabuuang bilang ng mga naitatalang kaso ng impeksiyon.

Samantala, may 9,072 naman na gumaling at 77 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa bansa.

Sa kabuuang bilang ng mga kaso, 6.8 porsiyento (71,472) ang aktibong kaso at 91.6 porsiyento (966,080) naman ang gumaling samantalang 1.65 porsiyento (17,431) ang namatay.

Inalis naman ang 16 duplicate cases at 11 sa mga ito ay gumaling.

May 32 kaso na unang napaulat na gumaling ang naitala na namatay sa COVID-19.

4 thoughts on “GUMALING SA COVID MAS MARAMI KAYSA SA MGA BAGONG KASO”

Comments are closed.