PATULOY na nakararanas ng ilang mga sintomas ang karamihan sa mga indibiduwal na naospital dahil sa COVID-19, anim na buwan matapos sila magpositibo at gumaling sa sakit.
Ito ang isinagawang pag-aaral sa mahigit 1,700 pasyente sa Wuhan City, China, ang orihinal na epicenter ng pandemic.
Batay sa pag-aaral, 76% ng mga na-infect ng COVID-19 ay nakararanas pa rin ng sintomas, ilang buwan matapos silang gumaling.
63% sa mga ito ang nakararanas pa rin ng fatigue, 26% naman ang nagsabing hirap sila sa pagtulog habang 23% ang nagkaroon ng anxiety o depression.
Samantala, lumabas din sa pag-aaral na ang mga nakaranas naman ng severe na sintomas ng COVID-19 ay patuloy pa ring nakikitaan ng pagkasira sa baga, batay na rin sa kanilang X-rays, anim na buwan matapos gumaling.
Kaugnay nito, iginiit ng mga dalubhasa ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagkakaroon ng post-discharge care sa mga pasyente ng COVID-19 kahit na nakarekober na ang mga ito.
Comments are closed.