Ano kaya kung magluto tayo ng donut sa spare time? Hindi ito mahirap kung tutuusin. Kung sa bahay lang, pwede itong masustansyang pagkain sa almusal o kaya naman ay meryenda. Gustong gusto rin ito ng lahat, bata man o matanda.
Pwedeng maging fluffy, malambot at chewy ang donut mo, depende sa dough na gagawin mo from scratch, gaano mo ito katagal gagawin, at sa paraan ng gagawin mong pagluluto.
Magandang magluto ng donuts sa bahay dahil hindi ka na gagastos at kikita ka pa kung sakali. Magsimula na tayong mag-eksperimento hanggang sa makagawa kayo ng sarili ninyong flavor. Hindi mo alam kung paano ka magsisimula? Madali lang namang makakita ng recipe sa google at heto, meron tayong isa dito na pakikinabangan ninyo.
Pag sinabing donut, may butas sa gitna. Tinapay na may butas sa gitna na hindi baked kundi deep fried. Pero ngayon, kahit anong tinapay na bilog na may dekorasyon ay technically classified na donut. At ang masarap na tinapay na ito ay simple lang ang key ingredients tulad ng harina, gatas, itlog, butter, at yeast. Sa flavoring, bahala ka na. Pwedeng asukal lang, vanilla extract, nutmeg, cinnamon, at kung anumang gusto mo.
Ang harina mismo ang dough structure basta makuha mo ang tamang flour ratio sa mga wet ingredients. Nasa pagmamasa ang sikreto. Huwag magdagdag ng harina kahit pa malagkit sa kamay.
Gatas naman ang nag-activate sa yeast mixture. Mas maganda kung whole milk ang gagamitin kung gusto ninyo ang rich flavor. Pwede ring active dry yeast o instant yeast ang gamitin o kahit ano ang available basta makakapagpaalsa sa donut.
Syempre, importante ang asukal dahil nagpapasarap na nga ito, nagpapaalsa pa at nagpapalambot sa donut. Dagdagan ng konting asin para balanse ang lasa at vanilla extract para mabango.
Pwedeng lagyan ng nutmeg pero optional lang ito. Sa toppings, kahit ano, pwede basta maging medyo adventurous ka. So, heto na ang recipe:
Mga sangkap:
* 4 cups (approx. 500g) harina, plus 100 grams
* 1 cup (approx. 240mL) whole milk, maligamgam
* 1 tbasp active dry o instant yeast
* ⅓ cup (approx. 65g) granulated sugar
* 2 large eggs
* 6 tbsp (approx. 86g) unsalted butter, tinunaw
* T tsp pure vanilla extract
* ½ tsp salt
* ¼ tsp ground nutmeg
* 1 to 2 quarts vegetable or cooking oil
Sugar Glaze
* 2 cups (approx. 240g) confectioners’ sugar, sinala
* ⅓ cup (approx. 80mL) whole milk
* ½ tsp pure vanilla extract
Paraan ng paggawa:
Ihanda ang dough: Pagsamahin ang gatas, yeast, at asukal sa mixing bowl. Batihin at isantabi pansamantala. Pag bumula, gawin ang susunod na steps.
Idagdag ang itlog, butter, vanilla, asin, nutmeg, at 2 cups harina. Unti-unti lang ang paghahalo ng harina habang hinahalo hanggang magkaroon ng clay-like texture. Kung masyadong tuyo, dagdagan ng gatas.
Masahin ang dough. Mas matagal, mas maganda. Pwedeng gumamit ng stand mixer pero mas maganda kung kakamayin. Masahin hanggang maging perfect ang texture at firmness at pagkatapos ay suntuk-suntukin para matanggal ang bula. Bilugin, ilagay sa malaking container, at takpan ng cling wrap o malinis na cheese cloth.
Patubuin ang dough rise sa room temperature sa loob ng isa at kalahating oras. Pag malamig kasi, mas mabagal tumubo ang dough. Kapag doble na ang laki, saka lang muling masahin.
Gumamit ng rolling pin hanggang maging flat at bilog na ½-inch ang kapal. Mas maganda kung may dough cutter pero okay lang kung wala.
Pwede naman siyang i-bake, pero mas nakasanayan ng pinoy ang deep frying. Bago ito gawin, hayaan muna ito na may takip ng 30 minutes.
Sa paraan ng pagluluto, painitin ang mantika sa kawali at lutuin ang donut ng isang minute bawat side o hanggang maging golden brown. Gumamit ng tongs para mas madaling hanguin ito. Ilagay muna sa drying rack para tumigis ang sobrang mantika.
Sa paggawa naman ng glaze, pagsama-samahin at batihin ang lahat ng glaze ingredients tulad ng confectioners’ sugar, milk, at vanilla extract. Isawsaw ang bagong lutong donut sa glaze habang mainit pa.
Siguruhing bawat side ay malalagyan ng glaze. Makaraan ang 20 to 30 minutes, titigas ang glaze at mas sasarap ang donuts. Pwede rin namang wala ng glaze dahil may mga customers na asukal lang ang gusto. P
wedeng pwede na itong ibenta. Syempre, ang presyo ay depende kung may glaze ba o wala ang donut.
Sakaling hindi maubos ang inyong paninda, pwede itong ilagay sa refrigirators at initin na lamang sa microwave o sa oven kinabukasan. KAYE NEBRE MARTIN