TAHASANG sinabi ni Senadora Imee Marcos na gumawa muna ng isang legal framework sa pamamagitan ng isang batas bago isulong ang People’s Initiative para amiyendahan ang 1987 Constitution.
Ani Marcos, ang kawalan ng isang tiyak na batas na namamahala sa people’s initiative sa kasaysayan ng batas, kung saan tinukoy nito ang isang Supreme Court ruling sa ikatlong pamamaraan na ito sa pag-amiyenda ng Saligang Batas.
“Why don’t we first make a law? Let’s hammer together, craft, debate until we get a law and thereafter produce this people’s initiative that is properly done,” pahayag ni Marcos sa panayam sa ANC.
Kumpiyansa ang senadora na mareresolba ang isyung sa deliberasyon ng Resolution of Both Houses No.6 (RBH 6) na naglalayong rebisahin ang mahigpit na economic provision ng Konstitusyon.
“There was an agreement early in January with [RBH 6] that subcommittee in the Senate will be established and we will do it properly because firstly the Santiago case of the Supreme Court said very clearly, wala pang batas para sa PI,” sabi ni Marcos.
“Kabisado na natin ‘yung Con-con), ‘yung Con-ass pero yung people’s initiative hindi pa natin nagagawa sa buong kasaysayan ng Pilipinas,” saad pa nito kaugnay sa constitutional convention at constituent assembly, ang dalawa pang pamamaraan para amiyendahan ang charter.
Idineklara ng Supreme Court, sa kanilang desisyon sa Santiago vs Commission on Elections, na nagdedeklara na walang executory law para sa people’s initiative para sa Charter change dahil sa kakulangan ng Republic Act 6736 o The Initiative and Referendum Act.
“They said the existing laws were inadequate, and that, therefore, we have to make a law,” ayon kay Marcos.
Sabi pa ng senadora, kailangan magkaroon ng sama-samang pagsisikap ang Senado para maingat na makabuo ng isang batas na maglalarawan ng method, process, guidelines, at safeguards para sa isang matagumpay na people’s initiative.
Ang isang people’s initiative, ani Marcos, ay dapat mayroong konsultasyon sa publiko at inaalan ang mga mahahalagang isyu, partikular ang cost of living [gastos ng pamumuhay] para sa isang average na pamilyang Pinoy.
Noong Martes, sinimulan na ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, na pinamumuuan ni Marcos sa alegasyon ng suhulan, panlilinlang at iba pang ilegal na aktibidad na nauugnay sa pagtutulak ng people’s initiative.
VICKY CERVALES