GUMAWA NG SARILING LOTION

IN the 60s and 70s, taboo ang kalalakihang guma­gamit ng lotion. Walang karapatan ang mga lalaking maging banidoso. Sa 80s, gumagamit na rin ang ilan sa kanila nang palihim ngunit iba pa rin sa lotion at cream na ginagamit ng kababaihan. Yung sa kanila ay walang amoy, at palihim pa kung gumamit sila dahil baka mapagkamalang jokla. Malaking insulto kasi sa machong Pinoy ang paggamit ng lotion o anomang beauty products, lalo na ang lipstick.

Sabi nila, kababaihan lamang ang banidosa at mahilig magpaganda. Hindi na ngayon. Kung bubulatlatin ninyo ang bag ng isang karaniwang yuppie na lalaking executive, baka mas mara­mi pa kayong makikitang pampaganda. Kumpleto sila bukod sa toothpaste, at pabango, would you believe na ang hindi nawawala sa kanilang vanity bag ay ang lotion?

Korek po. Mabenta ang lotion, kaya makisali na rin tayo sa mga gustong kumita rito. Hindi naman masamang pagkakitaan natin ang kaartehan ng iba. Gumawa tayo ng isang beauty line ng lotion o isang cosmetics line, para naman hindi na rin tayo gumastos ng malaki sa pagpapaganda ng ating sarili.

Wait lang. Alam ba ninyo kung ano ang pinakamalaking bahagi ng lotion na binabayaran natin ng napakamahal? Tubig! Kung mayroon kayong hawak ngayong bote ng lotion, makikita ninyo sa listahan ng mga ingredient na ang pinakamalaking percentage ng mga lotion ay tubig. Kaya nga kadalasan sa ingredients list ng product labels, makikita ninyong laging nauuna ang tubig – na­ngangahulugang ito ang pinakamara­ming ingredient sa nasabing produkto. At, dapat ninyong tandaang pwede itong makuha ng libre kahit saang lugar. Kaya, ano ang binabayaran ninyo? Sa halagang sampung piso gamit ang mga karaniwang gamit sa kusina, nais naming ituro sa inyo kung paano gumawa ng isang bote ng moisturizing lotion na naglalaman ng 12 onsa. Mas makamumura ka pa kung makabibili ka ng petroleum-based generic brand. At higit sa lahat, masayang gumawa ng sarili mong lotion na pwede mo ring pagkakitaan kapag sanay na sanay ka na sa paggawa.

Ang skin care lotion ay ang pinaghalo lamang na langis at tubig. Simulan natin ito sa paggawa ng pinakasimpleng lotion gamit ang olive oil, tubig at emulsifying wax. Heto ang mga kakailanganin ninyo.

Isang measuring cup na babasagin; dalawang measuring cup na babasagin; isang saucepan na tama lamang ang laki upang magkasya ang isang measuring cup.

Ihanda rin ang mga sumusunod:

  1. 1/2 cup of shea butter.
  2. 1/4 cup of coconut oil.
  3. 1/4 cup of ano­ther oil (I used avocado oil. …
  4. 3 tablespoons of non-GMO corn starch or arrowroot powder.
  5. OPTIONAL: 2 tablespoons of distilled water (kailangang distilled, kung wala kayong distilled water, alisin na lang ito

Lahat ng ito ay mabibili sa lahat ng mga drugstores.

Sa paraan ng paghahanda, punuin ng tubig ang isang maliit na saucepan at hayaang uminit sa medium low na apoy. Huwag pakukuluin. Gagamitin itong water bath.

Pagsamahin ang la­ngis at wax sa isang tasa na hindi mababasag sa init ng apoy at tunawin ang mixture sa water bath.

Punuin ang dalawang cup measurer ng tubig at initin sa microwave ng dalawang minuto o hanggang kumulo. Salitang magpakulo ng tubig at ibuhos sa measurer.

Kapag natunaw na ang oil/wax mixture, ibuhos ito sa tubig. Dapat ay sinlapot na ng skim milk ang inyong lotion.

Hayaan itong lumamig sandali, ngunit haluin gamit ang kahoy o chopsticks, ngunit huwag namang napaka­lamig dahil mahihirapan kayong isalin ito sa mga lalagyan kapag sobrang malamig na. Ngunit kung malaki naman ang bunganga ng boteng inyong gagamitin, wala itong problema.

Hayaan munang nakabukas ang inyong lalagyan upang palamigin ang mixture. Paminsan-minsan, takpan ang lalagyan at alugin upang mas lalo pang magsama ang tubig at langis.

Heto na! Nakagawa na tayo ng simple at walang amoy na lotion na pwedeng gamitin sa mga sanggol. — NV

102 thoughts on “GUMAWA NG SARILING LOTION”

  1. 654176 439019Hello! I just now would decide on to supply a enormous thumbs up with the excellent info you could have here within this post. I will likely be coming back to your blog web site for additional soon. 106528

Comments are closed.