GUMAWA NG TAUSI PARA SA FAMILY

ANG tausi ay ang maalat na fermented beans na kadalasang ginagamit sa paghahanda ng pagkain o bilang pansahog sa mga pagkaing Filipino. Heto ang paraan sa paggawa nito.

Ang mga kaila­ngang materyales ay ang mga sumusunod: soybeans, asin, darak, Wheat flour, tubig, at Aspergillus oryzae (mold).

Kailangan naming ihanda ang mga sumusunod na kagamita: lutuang kaldero, garapon para sa pagbuburo, at bistay na bilao.

Hugasan ng maraming ulit – at least apat na beses — ang soybeans at ibabad sa tubig sa magdamag. Kinabukasan, alisin ang tubig.

Pakuluan ang beans hanggang sa lumambot nang husto. Alisin ang tubig at ilagay sa bistayan. Hayaang lumamig. Matutuyo ang mga beans sa loob ng 30 minuto kung ibibilad sa araw, at isang oras naman kung walang araw.

Magsangag ng harina at ihalong mabuti sa pinatuyong soya beans. Lagyan din ng darak o pinagkiskisan ng bigas, na tatlong araw munang kinultyur sa manilaw-nilaw at ma­berde-berdeng amag na tinatawag na aspergillus oryzae. Haluing mabuti ang mga sangkap.

Kapag napaghalo-halo nang mabuti, ilagay ang mixture sa isang malinis at tuyong plastic na lalagyan at takpan ito ng katsa o malinis na Manila paper.

Hayaan itong hindi ginagalaw sa loob ng tatlo hanggang apat na araw sa isang lugar na madilim at malinis upang tumubo ang amag.

Ilagay ang beans na may amag sa garapon na may lamang maraming asin at tubig. Hayaang may takip. Pwede na itong ibenta o ihalo sa pagkain pagkaraan ng dalawang araw. — NV

84 thoughts on “GUMAWA NG TAUSI PARA SA FAMILY”

  1. 702135 780444Beging with the entire wales nicely before just about any planking. Our own wales can easily compilation of calculated forums those thickness analysts could be the comparable to some of the shell planking along with a lot more significant damage so that they project soon after dark planking. planking 785111

  2. 593588 835911I identified your weblog site on google and check a couple of of your early posts. Proceed to maintain up the quite good operate. I just extra up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking for ahead to reading extra from you later on! 176417

Comments are closed.