GUMAWA TAYO NG BAHAY MULA SA BASURA

SA ilang pagkakataon, mas matibay at mas maganda ang mga bahay na nagagawa mula sa recycled materials – at syempre, mas makaka-mura – kesa kung magpapagawa gamit ang mga bagong materyales. Siguro, hindi pwedeng puro recycled materials ang gagamitin, pero mara­ming paraan upang isama ang mga ito sa design ng bahay na gusto mo.

Alam ba ninyong umaabot sa 1.3 billion tonelada ng basura ang nagagawa sa buong mundo taun-taon? Alam din ba ninyong sapat ito upang gumawa ng mahigit 3,000 matataas na gusali? At aling bansa ang may pinakamara­ming basura? Hindi ang Pilipinas, huh! Hindi lang tayo marunong magtago ng basura pero ang topnotcher sa dami ng nagagawang basura ay walang iba kundi ang US of A pa rin. Patatalo ba naman sila? COVID 19 nga, hindi nagpalamang, basura pa!

Ironically, US din ang may sabing nanganganib na ang buong mundo dahil sa patuloy na pagdami ng basura, dahil may malaking kumplikasyon ito sa kapaligiran, kalusugan, kaligtasan, panlipunan at pananalapi. Malinaw na ang una nating dapat gawin ay bawasan ang basura – na siya naman nating ginagawa sa ngayon sa Pilipinas. Gawing pataba sa lupa ang nabubulok at gamitin sa ibang paraan ang hindi nabubulok. Hindi lahat ng inaakala nating basura ay basura nga.

Sa pagkakataong ito, gamitin natin ang basura para gumawa ng bahay, tutal bahay talaga ang kulang sa Pilipinas. Bahay? Sa basura? Yes po. Maniwala kayo o hindi, kaya nating gumawa ng bahay mula sa basura.

Marami kayong lumang diario na ibebenta ng por kilo? Ano kaya kung gawin uli natin itong wood sa halip na i-recycle  at gawin uling papel. Alam naman na­ting nanggaling sa kahoy ang papel, siguro naman, walang masama kung ibalik natin sa tunay niyang pinanggalingan. Gawin nating haligi ng tahanan. Paano? Ibabad po natin ng overnight sa tubig at durugin kinabukasan. Ihalo sa semento at buhangin. Hulmahin sa size na gusto ninyo, at patuyuin ng dalawang araw. Mas maraming papel, mas mabuti, dahil mas madali itong pakuan.

Kumusta naman ang durability? Masasabi po nating mas matibay pa ito sa hardwood dahil nga may kasamang semento at buhangin, at hindi pa siya aanayin. Wala namang anay na kumakain ng semento, di po ba? Sintibay po ito ng hardiflex plywood o baka mas matibay pa. Sa newspaper wood, kahit anong haba at laki ng kahoy na kaila­ngan nyo ay pwede. Mas mabuti kung humi­ngi na kayo ng tulong sa contractor para alam ninyo kung ilan at ano ang kakaila­nganin. Lagi po kayong magpapasobra ng dalawa o tatlong piraso, dahil sa totoo lang, sa karanasan ko sa pagpapatayo ng bahay, lagi na lang kulang ang sinasabi nila

Subukan din nating gamitin ang mga tuyong sanga ng kahoy para sa finishing ng dingding. Sa halip na tiles, subukan ang white cement at mga tuyong sanga ng kahoy na pandekorasyon sa dingding. Depende sa inyong creativity, makagagawa kayo ng kakaibang design, at makakatipid pa kayo dahil mura lang ang white cement at libre lang ang mga tuyong sanga ng kahoy.

Gusto ninyo ng glass tiles? Pwedeng pwede ito sa banyo at sa kusina, kaso, mahal naman. E kung gumawa na lang kayo gamit ang mga basag na bote ng sofdrinks at white cement? Makakapamili kayo ng kulay ng basag na bote, at pwede rin namang lagyan ninyo ng kumbinasyon depende sa inyong creativity uli. Gamit ang mga patapong basag na bote, white cement at hulmahang karton, makagagawa kayo ng unique at magandang glass tiles. Nakatipid na kayo, nakatulong pa kayong mabawasan ang basura.

Magagamit din ninyo ang mga single used plastic at sira-sirang plastic na malaking problema ngayon ng gobyerno dahil bumabara sa mga kanal na daluyan ng tubig kapag umuulan. Sa halip na itapon sila, gupitin ito ng maliliit, isama sa halo ng semento, bato at buhangin, at makagagawa na kayo ng concrete flooring o concrete walls.

Ang mga cardboard naman, pwede silang ga­wing pamalit sa dingding at yero. Yun nga lamang, kailangang lagyan din ito ng finishing na semento para hindi masira kapag nabasa ng ulan. Napakaganda po nito kapag natapos at napakadali pang matapos. Syempre, ang pagpapakuan nito ay ang mga ginawa ninyong papel na kahoy o newspaper wood na nauna na nating ginawa kanina.

Marami pang mga recycled materials ang magagamit natin sa paggagawa ng bahay ngunit ewan ba kung bakit hindi natin naiisip yan. Siguro, wala lamang tayong pana­hon, o dili kaya ay may iba tayong mga bagay na pinagkakaabalahan. Pero sa inyong libreng oras, bakit hindi ninyo subukan. Makakatulong kayo sa kalikasan. —  NV

17 thoughts on “GUMAWA TAYO NG BAHAY MULA SA BASURA”

  1. 447075 961236The the next occasion I read a weblog, I really hope so it doesnt disappoint me about brussels. Come on, man, Yes, it was my option to read, but I just thought youd have some thing intriguing to state. All I hear can be a great deal of whining about something which you could fix if you werent too busy looking for attention. 112196

Leave a Reply

Your email address will not be published.