TULAD ng ilang kapwa Kapamilya stars, pinasok na rin ng FPJ’s Ang Probinsyano star na si Yassi Pressman ang pagnenegosyo at in fairness, walang kasosyo si Yassi sa ipinatatayong building na gagawin niyang resto bar sa Siargao.
Nag-post sa Instagram si Yassi ng kanyang litrato habang nakaupo sa tumpok ng bag ng semento para sa construction ng resto bar doon. Kinunan ni Yassi ang kabuuan ng ipinagagawa niyang restaurant, ang local residents ng Siargao at ang kapaligiran na puro puno at halaman. May caption itong, “ZICATELA. Come visit us, friends! We’re opening soon @zicatela.siargao. #SIARGAO #ItsMoreFunInThePhilippines.”
Ang building ay hawig sa Villa Donna Hotel na ginamit sa pelikulang “Mama Mia” na matatagpuan sa Greece. We heard na aabot sa P20 million ang investment ni Ms. Pressman sa business niyang ito.
PINOY SINGER JC GARCIA MASAYA SA SUCCESS NG MASKARA DANCE FEST SA SANFO
BUKOD sa preparation ng kanyang upcoming concert sa San Francisco, California last week ay naging successful ang Masskara Dance Festival sa Filipino Cultural Center doon handog ng The Rotary Club of Daly City and Colma na kinabibilangan ng famous Pinoy singer na si JC Garcia.
Narito ang post ni JC, sa kanyang official FB account sa tagumpay ng kanilang event kung saan marami silang pinasayang mga kababayan.
“Thank you to all who attended the Masskara Festival with big names from San Francisco and Daly City… it was a successful event. The district governor was there, the former mayor and the current mayor were there, along with the ABS-CBN Adobo Nation anchor woman and the Fil-Am TV and news reporter. The Lion’s Club president was there, too, looked like it was an evening with the stars event,” pasasalamat pa ni JC.
Samantala, binigyan pala ni JC ng maikling tour sa San Francisco ang ilang politician visitors nila at Masskara dancers na galing pang Bacolod City. Dinala at ipinasyal niya ang mga ito sa famous tourist spots sa Bay Area.
MATAPOS SA INDONESIA, EAT BULAGA MAPANONOOD NA RIN SA MYANMAR
TUMAGAL ng dalawang taon ang franchise ng Eat Bulaga sa bansang Indonesia na napanood sa SCTV(Surya Citra Media) at isa sa naging presenter o host dito ay ang kilalang Filipino host sa Indonesia na si Leo Consul.
Napanood ito mula July 16, 2012 hanggang April 2014. In fairness, dalawang awards ang tinanggap ng EB Indonesia ang Panasonic Global Award for Reality Show Presenter (2013) at noong 2015 naman ay ginawaran sila ng Panasonic Global Award for Favorite Music.
Ngayong taon ay may bagong franchise ang Bulaga sa bansang Myanmar. Ibinalita ito ni Bossing Vic Sotto sa selebrasyon ng 40th anniversary ng kanilang show at very soon ay mapanonood na sila sa Mynamar na malaki rin ang population. I’m sure papatok din ito.
Comments are closed.