MARAMING movements ang ating mga panlaban at may kanya-kanyang ibig sabihin.
“Ang paggiri na ibinubuka ang pakpak pababa para sa akin, ang focus ng manok ay sa pagkasta at hindi paluin ang kalaban. Napakadelikadong bisyo po ito ng ating panlaban kasi ito po ay nagiging dahilan para siya ay maunahan. Dapat ay dagdagan pa ang heating/pagpapagalit sa kanya during warm up sa ruweda kaya importante na obserbahan ang kanyang kilos kaya mo nga siya pinalalakad sa loob ng ruweda,” ani Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.
Aniya, nakatutulong na pakastahin ang ating mga panlaban 5-6 days bago ilaban para na rin sa mental conditioning at sa ganoong pamamaraan sila ay relax na relax, kalmado pero alerto.
“Para rin ikaw para mawala ang panggigigil dapat nakakarelis para ‘di masakit sa ulo. Pare-parehas na lang pong manok ‘yan kaya sa huli ay magkakatalo sa pulso, pakiramdam at kung paano mo inalagaan!” dagdag pa nila.
At para maiwasan ang anumang problema sa pag-aalaga ng manok panabong, maganda po ay pinag-aaralan muna ang lahat.
“Sadya po na napakalaking gastos ng pagmamanok. Masuwerte nga ‘yung bago pa lang magmamanok ngayon kasi napakaraming drug and feed companies na nagbibigay ng free seminars para sa pag-aalaga ng manok. Lahat po ng feed companies ay magagaling,” ani Doc Marvin.
Importante rin, aniya, na ang bahay at rueda ay nasa sulok lang para ang lahat ng manok ay nakikita sa isang tingin pa lang.
“Dapat ay all weather at laging handa umulan man o umaraw ay naka-safety ang manok, iwas disgrasya at anumang bagay na iyong ginagawa sa manok ay dapat kaya mong ipaliwanag kapag may nagtanong ng bakit. Anuman ang galing ng programa mo sa pagmamanok ay mahirap maisagawa kung iyong sarili at kapaligiran ng manok ay kulang sa kalinisan,” sabi pa niya.
“Paano mo inalagaan ang manok kung mismo ang iyong sarili ay hindi mo maalagaan. Mahirap ba gawin na ang kapaligiran ng manok ay linisan? Para mabilis maintindihan or to cut the long story short, isipin mo na magpalit kayo ng katayuan ng manok na ikaw ang lalaban nang patayan. Para po sa akin ay pinakamahalaga at una sa lahat ay ang kalinisan,” dagdag pa niya.
Comments are closed.