GUMUHONG SUPERMARKET SA PAMPANGA CLEARED NA

supermarket

PAMPANGA – NALINIS o cleared na ang gumuhong supermarket sa bayan ng Porac bunsod ng 6.1 magnitude na lindol noong Abril 22.

Ang clearance ay idineklara ng Philippine National Police (PNP) habang sinabi ni Pampanga Police Director Police Col. Jean Salvador Fajardo, bago itigil ang operasyon ay nahalughog na umano ng mga rescuer ang loob ng gumuhong supermarket.

Sa ngayon, lima pa ang nawawala sa probinsiya matapos ang lindol habang 18 ang mga nasawi at 243 ang sugatan.

Una rito, inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na itigil na ang search rescue and retrieval operation sa gumuhong supermarket. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.