GUN BAN SA METRO MANILA UMIIRAL

SIMULA kahapon, October 14, sinuspinde ng Philippine National Police – National Capital Region Police Office (NCRPO) ang lahat ng permits to carry firearms (PTCFOR) sa Metro Manila na tatagal hanggang Biyernes October 18.

Ayon kay Maj General  Sidney Hernia ang bagong hirang na pinuno ng PNP-NCRPO, bahagi ito ng inilatag nilang security measure  para sa ginaganap na Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) na mis­mong Pilipinas ang nagsilbing host.

“All PTCFOR are SUSPENDED within Metro Manila from 12:01 AM October 13, 2024 to 12:00 MN October 18, 2024 during the Asia Pacific Ministerial Confe­rence on Disaster Risk Reduction to be held at the Philippine International Convention Center (PICC),” ayon sa inilabas na kalatas ng NCRPO.

Nabatid na ang nasabing konperensiya ay isa sa pinakamalaking international gatherings hinggil sa disaster risk reduction. Mahigit 3,000 participants mula sa  69 bansa ang inaasahang dadalo sa nasabing kaganapan.

VERLIN RUIZ