SIMULA bukas Nobyembre 20ay mahigpit nang ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang total gun ban sa apat na rehiyon sa Luzon kaugnay sa seguridad na inilalatag sa idaraos na 30th Southeast Asian Games .
Nabatid na bahagi ng security blanket na inilatag ng PNP at maging ng Armed Forces of the Philippines ang pagpapairal ng gun ban sa iba’t ibang panig ng bansa partukular sa mga lugar na pagdarausan ng paligsahan .
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, paiiralin ang implementasyon ng total gun ban Region 4A o CALABARZON areas, National Capital Region (NCR) Region 1 (La Union) at Region 3.
Nabatid na magtalaga rin ang AFP partikular ang kanilang AFP-Joint Task Force NCR ng sapat na puwersa para ayudahan ang may 27, 440 pulis na idedeploy ng PNP para sa SEA Games security kasama ang mga itatalagang escorts sa mga convoys ng mag delegado.
Ang gun ban sa mga nabanggit na lugar ay ipapatupad simula sa November 20, Miyerkules hanggang Sabado December 14.
Ang opening ceremony ng 30th SEA Games ay gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa darating na Nobyembre 30, 2019.
Habang ang closing program ng SEA Games ay gaganapin sa December 11.
Noong nakalipas na araw ay todo na rin ang mga aktibidad ng AFP at PNP at bilang bahagi ng iba’t ibang uri ng kanilang mga paghahanda kasama na ang pag-send off sa mga pulis na itatalaga sa mga venues at mga delegasyon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.