GUN BAN SIMULA NA SA ENERO 13

gun ban

MAGSISIMULA na  sa  Enero 13 ang gun ban para sa may 2019 midterm election.

Nangangahulugan ito ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde na hindi papayagan ang mga may-ari ng lisensyadong baril na magbitbit nito sa labas ng kanilang mga bahay bagama’t maaari naman aniyang makakuha ng exemption sa Comelec na siyang magre review ng applications.

Nilinaw ni Albayalde na exempted naman sa gun ban ang mga awtoridad na naka-duty at naka-uniporme gayundin ang mga tauhan ng AFP, Philippine Coast Guard, NBI at iba pang law enforcement agencies.

Uubra rin aniyang ma exempt mula sa gun ban ang mga private security agency.

Para sa mga politikong may banta sa buhay sinabi ni Albayalde na maaaring mag-apply ng security escorts mula sa PNP-Police Security and Protection Group.

Kasabay nito ay  ibi­nunyag ni Albayalde ang mahigit isang milyong loose firearms na nakakalat sa buong bansa.                   DWIZ882

Comments are closed.