GUN-FOR-HIRE NA PUSHER SWAK SA SELDA

ARRESTED-6

PASAY CITY – ISANG miyembro ng gun-for-hire syndicate at kilalang tulak ng droga  ang arestado ng Pasay City police sa anti-criminality campaign ng pulisya kahapon ng umaga sa lungsod.

Kinilala ang inaresto na si Ronald James Sotolombo ng Barangay 175 Zone 18, Pasay City.

Ayon sa ulat na natanggap ni Senior Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City police, nadakip ang suspek dakong alas-5:00 ng umaga sa kanilang bahay sa Apelo Extension, Pasay City.

Nauna rito, may impormasyon na natanggap ang pulisya mula sa isang concerned citizen na ang suspek ay namataan malapit sa kanilang bahay lulan ng kanyang kulay pulang kotse.

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang mga awtoridad kung saan agad na rumesponde ang mga tauhan ng Pasay police Drug Enforcement Unit (DEU).

Inabutan ng mga operatiba ang naturang sasakyan sa lugar kung saan nakasakay ang suspek na hindi naman nanlaban nang arestuhin ng mga pulis.

Napag-alaman na si Sotolombo ay may warrant of arrest sa kasong paglabag sa Section 11 Art 2 of RA 9165 na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court Judge Petronilo Sulla ng Branch 110.     MARIVIC FER-NANDEZ

3 thoughts on “GUN-FOR-HIRE NA PUSHER SWAK SA SELDA”

  1. 268756 791681Whoa! This blog looks just like my old one! It is on a completely different topic but it has pretty a lot the same layout and design. Outstanding choice of colors! 805184

Comments are closed.