GUNBAN EXEMPTION PERMIT PADADALIIN NG COMELEC

MAGPAPATUPAD ng recalibration o adjustment ang COMELEC sa ipinatutupad nitong patakaran para sa gunban exemption.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Comelec Commissioner Erwon George Garcia, padadaliin nila ang sistema.

Sinabi nito na sa halip na sa Comelec Head Office mag-apply o kumuha ng gunban exemption ay maaari na itong gawin sa kanilang Regional offices upang hindi na lumuwas pa sa Maynila para lamang pumila ng mahaba at maghintay ng matagal.

Binigyan diin ni Garcia na hindi na kailangan patagalin pa o mahirapang makakuha ng exemption ang mga personnel at individual na batid naman talaga na may banta sa kanilang kaligtasan at buhay.

Kabilang na rito ang mga personnel sa hudikatura, security agencies, public attorneys office, field personnel at iba pang tanggapan ng pamahalaan at mga negosyante.

Samantala, may adjustment din ipatutupad sa mga patakaran para sa mga lokal na pangangampanya.

Diin ni Garcia, hindi na sa campaign committee kukuha ng permit ang mva lokal na kandidato para sa kanilang political activities kungdi sa mga lokal na pamahalaan na lamang. BETH C