TULUYAN nang kinasuhan ng attempted murder ang isang dating city councilor at anak ng Barangay Chairman sa Laguna na sinasabing bumaril sa isang local journalist, ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
Ayon kay PTFoMs Undersecretary Paul Gutierrez, inihain ang kaso noong Lunes makaraan lamang ng isang linggo matapos barilin ng hindi nakilalang gunmen sakay ng motorsiklo si Marc Angelo Barrios ng Laguna Patrol .
Sinabi sa inisyal na ulat ng pulisya na dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang nagpapautok ng pitong beses kay Barrios habang pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. San Gregorio sa San Pablo City noong Hulyo 15 ng gabi.
Maswerte namang hindi siya nasaktan bagamat ang kanyang motorsiklo ay nasira ng pag-atake habang tumakas ang mga suspek patungo sa di malamang destinasyon.
Sinamahan ng CIDG si Barrios na magsampa ng kaso sa Prosecutor’s Office ng frustrated murder laban sa pangunahing suspek.
Tumanggi namang banggitin ng task force ang pangalan ng suspek habang hinihintay pa ang resulta ng evaluation sa reklamo ng attending prosecutor.
PAUL ROLDAN