Ipinagdiinan ni Senator Risa Hontiveros na dapat ay ibigay muna ng PNP sa Senado ang kustodiya kay Alice Guo.
Katuwiran ng namumuno sa Senate Committee on women, children, family relations and gender equality, ang Senado ang unang naglabas ng arrest order para kay Guo.
Bagamat iginagalang aniya ang karapatan ng Hudikatura na maglabas din ng arrest warrant, ang Senado ang unang kumilos para malantad ang mga sinasabing ilegal na mga aktbidad ni Guo.
Binanggit pa niya na ang arrest order na binitbit sa Indonesia upang mapasakamay ng Pilipinas si Guo ay ang inisyu ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
VERLIN RUIZ, VICKY CERVALES