GUO NASA PINAS PA – DOJ

Sa kabila ng impormasyong  nakaeskapo ng Pilipinas si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping, muling iginiit ng Department of Justice ang paniniwala nitong nasa loob pa ng  bansa  ang da­ting alkalde.

Ayon kay Justice Undersecretary Nicolas Felix Ty, hindi nagpapakita ng indikasyon mula sa BI na nakatakas na ang dating opisyal patungo sa ibang bansa.

Nakapaghain pa aniya si Guo ng kanyang counter affidavit habang nanumpa ito sa naging notar­yo ng kanyang statement.

Sinabi naman ng Bureau of Immigration (BI) na ilegal na nakalabas ng bansa si Guo dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso ng mga Immigration Officer.

Idinagdag ni  BI Commissioner Norman Tansingco na nakatanggap sila ng ulat na si Guo ay illegal na bumiyahe patungong Malaysia ng mga kalagitnaan ng buwan ng Hulyo.

“We received intelligence information from our counterparts abroad that Guo illegally left for Malaysia then flew to Singapore,” ayon kay Tansingco. She allegedly flew to Singapore with Shiela Leal Guo and Wesley Leal Guo on July 21.

Klinaro ni Tansingco na bagama’t nasa look out bulletin si Guo, walang naitalang anumang paglabas niya sa kanilang system at  centralized database.

PAUL ROLDAN