COTOBATO CITY – ARESTADO ang tatlo katao kabilang ang isang guro matapos salakayin ng mga awtoridad ang drug den sa loob ng kapitolyo ng Bangsamoro region sa lalawigang ito.
Batay sa report ng pulisya, ang mga suspek ay nakilalang sina Wajid Ibrahim Galib, 64-anyos, guro; Ridzwan Ismael Abdulgani, 25-anyos at John Lloyd Fernandez Compaña, 23-anyos, wanted sa kasong illegal drugs.
Ang naturang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-BARMM, Ministry of the Interior and Local Government-BARMM at suportado ng Criminal Investigation and Detection Group- (CIDG) Bangsamoro Autonomous Region, National Bureau of Investigation; at mga tauhan ng Bangsamoro regional police office, kung saan ay nagresulta ng pagkakaaresto sa tatlong suspek.
Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang 11 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
EVELYN GARCIA