ZAMBOANGA DEL SUR – INARESTO ang isang guro dahil sa pagputol nito ng puno sa bayan ng Molave.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO9), kinilala ang nasabing guro na si Marlita Caralos, 59-anyos, at residente ng Barangay Cabgan ng nasabing lungsod.
Inaresto ang guro sa operasyon ng mga operatiba ng Tambulig municipal police sa Purok 3, Barangay Happy Valley.
Kasong paglabag sa pagpuputol ng puno na walang permiso ang kaso ng guro.
Bukod dito, mahaharap din si Caralos sa kasong malicious mischief na may kabuuang P42,000 inirekomendang piyansa.
Ang nasabing guro ay pansamantalang nakakulong sa detention cell ng Tambulig municipal police station. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.