GURO, MAG-AARAL NABULABOG SA BOMB THREAT

BOMB THREAT

PANGASINAN – NAGULANTANG ang mga guro at estudyante nang makatanggap ng tawag ang principal ng isang eskuwelahan na may bomba sa bisinidad ng Pangasinan National High School.

Sinabi ni Ginang Elvira Viray, principal ng nasabing paaralan, na mayroong bomba sa eskuwelahan.

Agad namang tumawag sa awtoridad si  Viray para masuri ang paaralan.

Agad na nagtalaga ng bomb squad at wala namang nakitang bomba matapos ang paggalugad sa eskuwelahan.

Noong Huwebes, nakatanggap din ng bomb threat ang University of Luzon dahilan para palabasin sa campus ang mga mag-aaral. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.