ZAMBALES- NASA balag ng alanganin ang limang guro sa bayan ng Cabangan makaraang labagin umano nila ang pinaiiral na Enhanced Community Quarantine protocols na inisyu ng pamahalaan upang labanan sa coronavirus pandemic.
Base sa report ng awtoridad dalawang lalaki at tatlong babae na masayang magkakasama sa bahay ng isang teacher noong Abril 14 ganap na alas-9:00 ng gabi kung saan umiiral ang curfew hour.
Ayon sa blotter ng barangay una nang naaksidente sa motorsiklo ang dalawang lalaki guro na agad dinala sa birthing clinic na kalaunan at dinala sa San Marcelino Hospital na kapwa na sa impluwensiya ng alak.
Nabatid na kapwa job order ang status ng mga ito sa isang eskuwelahan.
Dahil sa pangyayari hindi na pinayagang makabalik sa eskuwelahan ng limang guro ayon kay DepEd Superintendent Leonarso Zapanta. THONY ARCENAL