MAGUINDANAO – HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang guro nang tumalon sa sasakyan sa Kidapawan City.
Nakilala ang biktima na si Jomar Jose alyas Yoyong, professor ng College of Arts and Sciences ng University of Southern Mindanao (USM).
Ayon sa ulat ng pulisya, sakay ang biktima ng service van ng USM mula sa bayan ng Kabacan pabalik na ng Kidapawan City.
Ngunit pagsapit nito sa Brgy. Binoligan Kidapawan City ay biglang binuksan ng biktima ang pintuan ng van at tumalon.
Agad namang dinala ng driver ng van ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umaabot ng buhay pagkatapos magtamo ng matinding sugat sa ulo nang mabagok sa kalsada.
Bago tumalon ang guro ay napansin ng driver at mga kasamahan nito na balisa ang biktima.
Depresyon sa sarili dahil sa personal na problema ang natatanaw ng awtoridad sa motibo ng biktima sa pagpapakamatay nito. MHAR BASCO
Comments are closed.