CATANDUANES – PINASINAYAAN ng Department of Transportation (DOTr) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang bagong -rehabilitated passenger terminal building (PTB) ng Virac Airport.
Sa ulat, pinondohan ang pagsasaayos ng gusaling ito ng DOTr ng halagang P39 milyon na nagmula sa kaban ng bayan.
Nagsimula ang konstruksyon ng proyekto noong 2016 at ang completion date nito ay July 20, 2016, ngunit naantala ito at hindi natapos sa takdang petsa dahil nagkaroon ng mga karagdagang trabaho katulad ng retrofitting na kinailangan upang maging matibay ang gusali.
Noong December 2016, nagkaroon ng suspension order o work stoppage ang konstruksiyon dahil ilang bahagi ng airport ay nasira bunsod ng bagyong Nina, kung saan nagkaroon ng additional P4.5 milyon na pondo para sa gagawing rehabilitation sa mga nasira ng bagyo.
Dahil sa inisyatibo ng mga taga CAAP, naisakatuparan ang proyekto at anila, magkakaroon ng dagdag sa mga pasahero mula sa 100 hanggang 300 sa loob ng airport.
Dumating naman sa naturang inagurasyon sina Transportation Secretary Arthur P. Tugade, DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, CAAP Director General Jim Sydiongco, Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, Governor Joseph Cua at Virac Mayor Samuel Laynes. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.