“GUSTO KONG MAGING SUCCESSFUL NA NEGOSYANTE”

SA paghahangad na maging successful na negosyante, tinanong ng isang estudyante ang isang successful na negosyante kung paano maging katulad nito.

Para turuan nito ang estudyante, sabi ng successful na negosyante, “Halika, sumama ka sa akin sa dagat.”

Habang palalim na nang palalim at umabot na sa balikat nila ang tubig, ang ginawa ng successful na negosyante ay inilublob niya ang estudyante sa ilalim. Bago malunod ang estudyante, iniahon na siya ng successful na negosyante.

Tinanong nito ang estudyante, “Habang nasa ilalim ka ng tubig, ano ang gusto mong gawin?”

Sagot ng estudyante, “Gusto ko pong makahinga dahil nalulunod ako.”

Sagot naman ng successful na negosyante, “Ganoon ka dapat kung gusto mong maging successful. Kung gaano mo kagusto na makahinga, ganoon din dapat katindi ang kagustuhan mo na maging successful.”

“Hindi ko sinasabing agad-agad kang magiging successful kapag matindi ang kagustuhan mo. Ang sinasabi ko lang ay kapag matindi ang kagustuhan mo na maging successful, tulad ng kagustuhan mo na makahinga, walang makapipigil sa’yo.”

“Habang nasa ilalim ka nung tubig, iniisip mo pa ba ‘yung mga taong hindi sumusuporta sa’yo? Iniisip mo pa ba ‘yung mga taong negatibo hinihila ka pababa? Iniisip mo pa ba kung ano ‘yung mga sinsabi na hindi maganda nung mga tao habang nakatalikod ka? Iniisip mo pa ba kung anong gagawin mo sa mga pagkakamali mo nung nakaraan? Hindi ba hindi na?”

“Ang iniisip mo na lang ay makaahon para makahinga. Kung gusto mong maging successful ka tulad ng kagustuhan mong makahinga, doon ka magiging successful.”

“Ngayon, ang tanong ko sa’yo, gaano mo kagusto maging successful?”

Ang kuwentong ito ay hango sa Story Time sa TikTok ni @iamkarlserrano.

8 thoughts on ““GUSTO KONG MAGING SUCCESSFUL NA NEGOSYANTE””

  1. 616095 586999The the next occasion I read a weblog, I really hope so it doesnt disappoint me about brussels. Come on, man, Yes, it was my option to read, but I just thought youd have some thing intriguing to state. All I hear can be a great deal of whining about something that you could fix in case you werent too busy looking for attention. 180172

  2. 830119 939139Some genuinely good and utilitarian info on this web site , likewise I believe the style and design contains superb attributes. 205064

Comments are closed.