(Gusto mo bang sumaya?) GO TO HAPPY CUP

HAPPY CUP ang negosyong magkatulong na itinayo ng celebrity sisters na sina Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga, kasama ang ilang miyembro ng pamilya na miyembro rin ng Board of Directors ng kum­panya.

Tulad ng ibang tea shops, nagbebenta sila ng lahat ng klase ng beverage products tulas ng frappes, milk teas, at pearl coolers sa murang halaga.

Hindi madali ang kanilang simula, pero dahil talagang masaya silang pamilya, nagtulong-tulong sila upang malampasan ang lahat ng pagsubok. Mula sa 10 empleyado, may 60 employees na sila ngayon sa kabila ng pandemya.

Mula sa isang shop noong 2017, may 40 outlets na sila ngayon, na nakakalat sa Bata­ngas at Laguna Areas sa South Luzon, Baguio sa North Luzon, at Cagayan de Oro sa Mindanao. Kung susuwertihin pa, balak daw magtayo ng magkapatid na Toni at Alex ng 40 pa na outlets sa Visayas regions para nationwide na.

Para masiguro ang kalidad ng HAPPY CUP at ang magandang serbisyo nito, patuloy nilang ini-improve ang proseso at Franchisee support system. Taon-taon, sa araw ng kanilang anibersaryo, nagpapakilala sila ng bagong produktong kinagigiliwan naman ng mga customers.

Una sa lahat ang kapakanan ng customer, pangalawa ang mga empleyado, at pumapangatlo pa lamang ang kita, yan ang panuntunan ng HAPPY CUP.  – NV

94 thoughts on “(Gusto mo bang sumaya?) GO TO HAPPY CUP”

Comments are closed.