MAGKAKAIBA ang characteristics ng mga mamimili, kahit tanungin pa ang mga sales clerk sa iba’t ibang mall sa bansa.
Mayroong shopper na gusto ay ineestima o agad ina-assist, kumbaga todo sa accommodation at kapag hindi pinansin ay agad lilipat ng store.
Mayroon namang namimili na ayaw kinakausa, at inaalok habang naghahanap ng kanyang bibilihin at nais na hayaan lamang silang makapamili.
Mayroon ding mainipin na kapag hindi nakita ang gusto ay hindi na nagtatanong.
Kaya sa mga sales clerk nakasalalay kung magkakaroon ng mataas na benta sa isang araw.
Sa pagri-research ng PAYAMAN MINDSET, natuklasan na dapat mabilis mag-adjust ang sales clerk sa kung anong behavior o attitude ng isang mamimili.
Kung agad natukoy ang ugali ng shopper base sa mga nabanggit na behavior ng shopper, dapat magpalit ng paraan ang seller.
Natuklasan din namin na hindi na masyadong patok sa mamimili ang hard selling, hindi katulad ng unang panahon.
Paano malalaman na ang pamamaraan mo ng pag-aalok ay hard selling?
Narito ang mga puntos kung ikaw ay isa nang hard seller at dapat mo na itong tantanan.
- Tumitingin pa lamang sa mga produkto ay agad nang lalapit ang seller o sales clerk at agad sasabihing “sale po sa lahat ng item”. Hard selling iyon, dahil sa pagnanais mong bilhin ang iyong produkto gusto, nais mo nang bumili agad at ginawa mong after ang shopper sa mababang presyo at matitipid.
- Dumaraan lamang sa stall ang shopper ay agad mong aalukin na subukan ang inyong produkto at mangangakong may freebies, hard sell. Sa halip na bumili, lalo pang lalayo.
- ‘Yung sasabihin sa iyo na sayang naman kung hindi bibilin ang kanilang produkto at ipapadamang magsisisi ka sa discount at hindi mo na-avail ang 1-day promo, hard sell iyon, mas lalong lalayo ang mamimili.
Kung ang mga nabanggit ay iyong gawain bilang sales clerk, lalayuan kayo ng shopper, kaya mas mabuting baguhin ang estilo at sa halip, dapat magandang pakikitungo sa pagbebenta o maging consultative selling.
Ang consultative selling, dapat maramdaman ng shopper na nagbibigay tayo ng payong kapatid sa pamimili depende sa kailangan ng buyer.
Kumbaga, may touch ng malakasakit at hindi basta makabenta lang.
Para sa maabot ang inyong sales quota, taglayin ang consultative selling. Goodluck!