Ano ang pagkakaiba mo sa pamilya Ayala, Zobel, Soriano, Sy at iba pa?
Hindi po apelyido. Hindi rin yung mayaman sila at mahirap ka lang. E ano nga?
Simple. Alam nila kung paano maging mayaman — Ikaw, hindi.
Gusto mong yumaman pero hindi mo magawa! Bakit kaya? Sasabihin mo, may puhunan kasi sila kaya hindi sila takot malugi. Pero ang yumaong Henry Sy na kahit patay na ay iniidolo pa rin ng marami, nagsimula sa isang kahig, isang tuka. Hindi ba dati lang siyang sapatero?
Gusto mo ring yumaman? Ako rin po, pero pareho tayo, hindi ko rin magawa. IBA kasi ang mindset ng mga mayayamang iyan.
Sila kasi, well-informed sa economic trends and investment opportunities. Araw-araw silang nagbabasa at nag-aanalisa ng tungkol sa pera. Iniaayon nila ang kanilang mga estratehiya sa pagbabago ng kundisyon ng merkado. Laging up to date ang kanilang financial acumen, at isa ito sa kanilang top priorities.
Iba ang financial habits ng mayayamang tao. Lagi silang nakatanaw sa kakaibang bintana na magdadala pa sa kanila ng mas marami pang pera, kaya kadalasan, wala na silang panahon sa pamilya, sa paglilibang at sa pagdarasal. Of course, hindi naman lahat.
Sa unang tingin, isipin mong enigmatic ang daigdig ng mga mayayaman.
Hindi po. Pareho lang natin silang naglalagay ng asin sa pagkain, nagagalit, natutuwa, nagmamahal, nabibigo, nasasaktan. Tao rin silang iisa lamang ang buhay, at sa ayaw nila o gusto, isang araw, sila rin ay mamamatay. Well, siguro, mas maganda ang kabaong niya at mas maganda rin ang memorial park niya, but just the same, sabi nga sa Biblia, “ashes to ashes, dust to dust”, ang nagmula sa alabok, sa alabok din magbabalik — kahit cremated ka pa!
Pero ang punto natin dito, hindi madaling maging mayaman. Kung gusto mo talagang maging mayaman, dapat ay mayroon kang set of practical, disciplined, and often surprisingly simple habits. Kaya mo ba yon?
Dapat, mayroon kang malinaw na financial goals at ang badyet
mo, dapat, malinaw rin — hindi yung gastos ka ng gastos sa mga hindi importanteng bagay. Dapat din, alam mo how to invest wisely at kung paano mag-maintain ng panghabambuhay na thirst for learning. Ang mga mayayaman, namaster na nila ang art of managing their money, matagal na!
Pero huwag nating kalilimutang ang kayamanan, in its truest form, at hindi lamang usapang pera. Kayamanan ding matatawag ang mga karanasan at mga pagsubok sa buhay na nalampasan mo pero nanatili kang matatag. Kayamanan din ang talino, mga tapat na kaibigang hindi ka iniwan sa gitna ng mga paghihirap at pagsubok sa buhay.
Alam ng tunay na mayayamang tao na ang pera ay ginagamit lamang upang mapagaan ang buhay. What I’m trying to say is, hindi lang pera ang mahalaga sa buhay ng tao — or better yet, hindi naman talaga pera ang mahalaga sa buhay ng tao. Kailangan mo lang ang pera para mapasaya mo ang sarili mo at ang mga mahal mo sa buhay — para ma-achieve ang well-rounded life, na masagana at may diverse experiences, malalim na connections, at sense of fulfillment.
Kung pakalilimiin mo ang iyong financial journey, pwede namang i-adopt ang ilang habits ng mayayaman. I’m sure, gusto mo rin ng financial security and independence. Hindi naman sa ginagaya mo sila step for step,
kundi yung kaya mo lang na strategies na babagay sa lifestyle na gusto mo. Okay lang na lumikha ng solid financial foundation, mag-ipon, at mag-invest, at maging curious and adaptable sa mga bagay-bagay. Sa totoo lang, iyon ang mga excellent principles na dapat i-apply sa ating mga buhay
Sa kabuuan, iba talaga ang financial habits ng mayayaman. Iba rin ang kanilang blend of discipline and wisdom, dahil nakatutok sila palagi sa financial independence kahit financially independent na sila, at hinahanap nila ang opportunities, hindi naghihintày lamang na dumating ito. Kaya, whether nagsisimula ka pa lamang sa iyong financial journey o naghahanap ng paraan upang mapalawak and kasalukuyang estratehiyang meron ka na, basahin mo ang article na ito at siguradong may mapupulot ka. After all, hindi naman sikreto kung paano yumaman — isa itong set of habits, na kailangang matutuhan at sundin at isagawa. Ako? Sabi ng mga kaibigan kong mayayaman, hindi raw ako yayaman. Sumpa ba yon?
Hindi po. Sabi kasi nila, kung gusto mo talagang yumaman, kailangang mahalin mo ang pera. E ako po, ang tingin ko sa pera, kailangan ko lang siya para makakain ng tatlong beses sa isang araw, makapasyal sa abroad paminsan-minsan at mabili ang gusto kong gadgets.
Kaya siguro hindi ako mayaman, kasi, ganito ang pananaw ko sa buhay. Hayst!
Jayzl Nebre