(Gusto nang magpabakuna) 9K KABATAAN EDAD 12-17 NAGPAGREHISTRO NA

UMABOT sa 8,812 na kabataan an nasa edad 12 hanggang 17 ang nakapagparehistro na sa programang baksinasyon ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa.

Nabatid na mula Setyembre 14 hanggang 20 o isang linggo mula nang ilunsad ang pagpaparehistro ng mga kabataan para sa kanilang baksinasyon ay agad na tumalima ang mga ito sa pahayag ng lokal na pamahalaan.

Ang mga nagparehistrong kabataan na nasa edad 12-17 ay katumbas ng 16 na porsiyento ng kabuuuang populasyon ng lungsod na 55,391 na ibinase naman sa 2020 Census of Population and Housing data mula sa City Planning and Development Office.

Sa talaan ng bawat barangay na nagparehistrong mga kabataan na nasa edad 12-17 ay pinangunahan ng Barangay Putatan na nakapagtala ng 1,623 na sinundan ng Barangay Tunasan, 1,218; Barangay Poblacion, 1,153; Barangay Alabang, 978; Barangay Cupang, 781; Barangay Sucat, 570; Barangay Ayala-Alabang, 493; Barangay Bayanan, 484 at Barangay Buli na mayroong 154 kabataan habang sa mga non-residents naman ay nakapagtala ng 1,358.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 324,690 indibidwal na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna o 84.2 porsiyento ng target population ng lungsod na 385,725 samantalang 233,866 indibidwal o katumbas ng 60.6 porsiyento naman ang nakatanggap ng ikalawang dose o mga tinatawag na mga fully vaccinated.
MARIVIC FERNANDEZ

6 thoughts on “(Gusto nang magpabakuna) 9K KABATAAN EDAD 12-17 NAGPAGREHISTRO NA”

  1. 341335 945766I discovered your internet site web site online and check numerous of your early posts. Keep on the top notch operate. I just now additional your Feed to my MSN News Reader. Looking for forward to reading much more from you locating out later on! 887191

Comments are closed.