GUTOM NA PINOY BAWAS NA

GUTOM-7

NABAWASAN ang bilang ng mga Filipino na nakaranas na magutom base sa datos na inilabas ng Social Weather Sta­ tion (SWS) para sa mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.

Halos isang punto ito na mas mababa kumpara sa estadistikang  naitala noong buwan ng Hunyo na sampung porsiyento ng pamilyang ­Filipino ang nakaranas ng involuntary hunger.

Sa inilabas na survey result base sa September  27-30 poll ,  9.1 porsiyento o tinatayang 2.3 million families ang nagutom dahil sa kakulangan ng pagkain nitong third quarter ng 2019 na mas mababa sa 10 percent o 2.5 million na naitala nitong buwan ng Hun-yo.

Ang pinakahuling  hunger rate ay kabuuan ng 7.4 percent o tinatayang 1.8 million families ang nakaranas na magutom ng isa hanggang ilang beses sa loob ng nakalipas na tatlong buwan. Habang 1.7 percent o  426,000 pamilya ang madalas na nagugutom.

Sinasabing ang quarterly decrease sa naturang bilang ng mga nagugutom ay bunsod ng 7.4 points na pagbaba sa Metro Manila, pagbaba ng 1.2 points sa  Balance Luzon, habang hindi naman gumalaw sa area ng Visayas, at  naitala naman ang 2.9 points in-crease sa  Mindanao. VERLIN RUIZ

One thought on “GUTOM NA PINOY BAWAS NA”

  1. 470850 491377This website is normally a walk-through you discover the information it suited you about it and didnt know who want to. Glimpse here, and you will certainly discover it. 66601

Comments are closed.